
Bukas na pinag-usapan ng Sparkle heartthrob na si Miguel Tanfelix ang naging encounter nila ng fellow Runner at Kapuso Primetime Action Hero na si Ruru Madrid sa South Korea.
Matatandaan na naunang ipinasilip na ng GMANetwork.com ang ilan sa bigating South Korean at Pinoy celebrities na magi-guest sa season two ng Running Man Philippines na magsisimula na sa May 11 at May 12.
Bagamat hindi nakasama sa bagong season, magkakaroon naman ng special participation si Ruru sa naturang programa.
Sa grand media conference ng hit reality game show noong Sabado, May 4, nabanggit ni Miguel na “very warm” si Ruru nang kumustahin siya sa shoot nila sa South Korea.
Lahad niya, “Nag-guest si Ruru and nag-usap kami. Very welcoming siya sa akin, kasi siya 'yung original Runner, 'di ba? So, kinakamusta niya ako, kumusta ako sa co-Runners. Wine-welcome niya ako, very warm naman.”
MEET THE KOREAN STARS JOINING THE MUCH-AWAITED RUNNING MAN PH SEASON 2
Samantala, mapapanood din sa Running Man Philippines ang ex-girlfriend ni Miguel na si Bianca Umali. Base sa behind-the-scene photos, makakasama niya ang OG Runner na si Haha sa isang episode.
Matatandaan na ilang TV project din ang pinagsamahan nina Miguel at Bianca, na tinawag na “BiGuel” ng kanilang fans, sa GMA tulad ng Sahaya (2019), Kambal, Karibal (2017), at Mulawin Vs. Ravena (2017).
Sa ngayon, in a relationship Sang'gre actress na si Bianca kay Ruru. Kinumpirma ng aktor ang relasyon nila sa panayam ng Kapuso Mo Jessica Soho noong 2022.
Ipinagdiwang naman ng RuCa ang kanilang 5th anniversary last July 2023.
Ano ang pakiramdam na reunited siya with Bianca?
Lahad ni Miguel, “Masaya, oo. Lalo na 'Yung episode na 'yun dahil parang pageant-pageant kami nun, may rampa-rampa kami ginawa dun. So, ang fun din ng episode na with Bianca.”
Sa panayam ng Updated with Nelson Canlas noong nakaraang taon, sinabi ni Bianca na maayos ang relasyon nila ni Miguel.
“Well, of course, I couldn't say that we are friend-friends kasi… not as barkada-friends, but we are friends sa loob ng network.”
"And we don't really see each other that often. So, nagkakabatian," paglalarawan ni Bianca.