What's on TV

Miguel Tanfelix, gaganap bilang lalaking walang mga paa sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published January 13, 2022 6:05 PM PHT
Updated November 20, 2024 12:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix


Gaganap si Miguel Tanfelix bilang isang lalaking walang mga binti at paa sa 'Magpakailanman.'

Lubos daw na-challenge si Kapuso actor Miguel Tanfelix sa role niya isang episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Gaganap kasi si Miguel bilang si Diego Garcia, isang lalaking ipinanganak na walang binti at paa at may underdeveloped na mga kamay.

Sa kabila ng kanyang kapansanan, naging viral sa TikTok si Diego dahil na rin sa positibo niyang approach sa buhay.

"Challenging 'yung role, yes, not only emotionally pero physically kasi talagang 'yung kamay ko naka prosthetics. Hindi ako makakain nang maayos. Hindi ako makabasa ng script nang maayos. Sobrang hirap ng walang mga daliri," bahagi ni Miguel.

"Emotionally pa, challenging siya kasi pinapakita mo sa mundo na masaya ka dahil nagti-TikTok ka, pinapakita mo sa family mo na masaya ka pero deep inside sobrang sakit na. Sobrang hirap na na ginaganoon ka ng mga taong nakapaligid sa 'yo," dagdag pa ng aktor.

Ayon kay Miguel, kahit sa sandaling pagganap niya sa episode, naintindihan ang narasanan ni Diego. Nakatulong din daw ito para magampanan niya nang mabuti ang role.

"Feeling ko nakatulong din sa akin emotionally 'yung kung paano ko ginawa 'yung scenes. Since wala akong paa, nakaupo lang talaga ko sa floor. I feel very inferior every scene kasi lahat tinitingala ko, lahat niyuyukuan ako, tinitignan ako pababa. Nakatulong sa akin 'yung physicality ni Diego Garcia para mas makapasok ako sa role," paliwanag niya.


Abangan ang isa na namang natatanging pagganap ni Miguel Tanfelix sa episode na "Footless and Fearless: The Diego Garcia Story," November 23, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: