GMA Logo Miguel Tanfelix in planet xp
PHOTO SOURCE: Planet XP
What's on TV

Miguel Tanfelix, ipinakita ang husay bilang host sa 'Planet XP'

By Maine Aquino
Published May 26, 2026 5:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Belgium train collides with school bus, killing several people, source says
One Western Visayas: May 26, 2026 | Livestream
BTS wins Artist of the Year at AMAs 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix in planet xp


Ipinakita ni Miguel Tanfelix ang mga natutunan niya bilang host ng 'Planet XP.'

Napansin ng mga manonood na sa ilang episodes ng Planet XP ay madalas magbitiw ng mga biro si Miguel Tanfelix habang nakikipag-usap sa mga taong ini-interview niya.

Ayon sa Planet XP, ginagawa ito ng aktor at host upang pagaanin ang usapan, lalo na't karamihan sa mga kanyang nakikilala sa programa ay unang beses pa lamang na humaharap sa camera at hindi maiwasang kabahan.

Sa episode 4 na umere nitong May 23, inakyat ng Planet XP ang tuktok ng Mt. Ngile na may taas na 500 MASL (meters above sea level). Kasama ni Miguel ang grupo ng mga local mountaineers sa Mt. Ngile adventure. Pinasaya pa ni Miguel ang buong set nang magkunwari siyang isang news reporter habang nasa harap ng bonfire sa San Jose, Tarlac.

PHOTO SOURCE: Planet XP

Bago gawin ni Miguel ang Planet XP, nagkaroon siya ng one-on-one hosting workshop ni Boy Abunda. Isa sa mga in-encourage ng kilalang host ay gamitin ni Miguel bilang “bala” sa pagho-host ang kanyang natural na sense of humor.

Makikita naman ito sa bawat episode ng Planet XP dahil mas nagiging komportable at kampante ang mga local na ini-interview niya para sa programa.

Balikan ang naganap sa episode 4 ng Planet XP dito:


Ang Planet XP ay isang five-part magazine-infotainment special na proyekto ng GMA Network, katuwang ang National Council for Children's Television (NCCT), bilang grantee ng 2024 National Endowment Fund for Children's Television (NEFCTV).

Samantala, nakatanggap ng exemption ang Planet XP mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa educational aspect ng programa na naghihikayat sa exploration at pangangalaga sa kalikasan. Ang Planet XP ay ginawa bilang child-friendly na content o programang angkop para sa mga bata.

Panoorin ang exciting 5th episode ng Planet XP sa Sabado, May 31, 6:30 p.m. sa GMA.