
Dalawang magkaibang awards ang nasungkit ni Kapuso cutie Miguel Tanfelix sa ginanap na special basketball exhibition ng GMA Telebabad series na Mulawin VS Ravena.
Si Miguel ang hinirang na MVP o Most Valuable Player ng nasabing event. Bukod dito, sa kanya rin iginawad ang Mandaragit Award (Best Longshot Player) dahil siya ang nakapuntos ng pinakamaraming 3-point shots sa laro.
Bukod kay Miguel, dumalo din sa special exhibition ang iba pang Mulawin VS Ravena stars tulad nina Kiko Estrada, Derrick Monasterio, David Licauco, Dion Ignacio at Joko Diaz.
Nag-perform din sa halftime sina Bea Binene at Bianca Umali bilang suporta sa kanilang mga co-stars.
Ginanap ang Mulawin VS Ravena Basketball Exhibition sa Ynares Sports Arena sa Pasig, kahapon, July 30.
Video from GMA News