GMA Logo Miguel Tanfelix
What's Hot

Miguel Tanfelix, kuripot nga ba?

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 10, 2025 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Backstreet Boys drop 2025 version of 'I Want It That Way' music video
P500,000 cash, jewelry lost to burglars in mall in Pavia, Iloilo
Brandon Espiritu recommends this workout as a running alternative

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix


Miguel Tanfelix sa pag-handle ng pera: 'Mas madaling gumastos para sa ibang tao'

Bata pa lamang ay napapanood na sa telebisyon ang aktor na si Miguel Tanfelix kaya naman nang tumungtong siya ng 21years old ay ibinigay na ni Mommy Grace ang savings niya para siya na mismo ang mag-manage nito.

Pero kahit si Miguel na ang nagdedesisyon para sa kanyang pera, hindi niya ito ginagastos basta-basta.

"Mas madali pong gumastos sa akin para sa ibang tao. Kunwari, support sa bahay, may papabayaran, okay go," saad ni Miguel sa interview nila ni Mommy Grace sa Toni Talks. Pagpapatuloy niya, "Pero 'pag sa sarili ko, alam mo 'yung hawak ko na, ibabalik ko pa, 'Next time na lang.'"

Ayon kay Mommy Grace, noong ibinigay niya kay Miguel ang bank account niya, sinabihan niya ito na 'wag masyadong gumastos. "E, ito, magaling humawak rin ng pera. Hindi siya medyo, kuripot talaga, 'to, pero okay naman 'yun. Ganun naman, e, pag 'yung pinaghirapan mo, ang hirap gastusin," saad ni Mommy Grace.

Napag-usapan rin nina Mommy Grace at Toni Gonzaga ang first heartbreak ni Miguel kay Barbie Forteza.

Panoorin ang buong panayam sa mag-inang Grace at Miguel Tanfelix sa Toni Talks sa ibaba:

Kasalukuyang napapanood si Miguel bilang si Kidlat sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:45 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.