
Puspusan at intense ang pinagdaanang training ng mga artista na bibida sa action serye na Task Force: Firewall.
Sa panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras kay Miguel Tanfelix, ikinuwento nito ang firing day experience nila kasama ang mga sundalo ng Philippine Air Force.
Lahad ng Kapuso primetime actor, "Nagkaroon kami ng isang firing day kasama ang Air Force, buong 'Firewall,' kami nina Kylie (Padilla), nina Jak (Roberto) tapos ako nag-overnight ako sa Tarlac eh...nag-aral ako kung paano humawak ng pistol, ng mahaba, so kailangan talaga swak. Kailangan talaga sakto dahil bilang 'yung character ko dito maalam talaga humawak ng baril, dapat maalam din ako sa totoong buhay."
Samantala, ang isa sa mga bida ng primetime series na si Kylie Padilla. Ibinahagi ang mga kaalaman niya sa tactical training at paghawak ng baril sa mga kapwa co-star niya tulad ni Cheska Fausto.
"I like to share, lalo na si Cheska (Fausto) kasi naka-build na kami ng rapport eh, so I like to help her when I have a chance," kwento ni Kylie.
Makakasama rin nina Miguel at Kylie sa na Task Force: Firewall sina Kyline Alcantara, Jak Roberto, Buboy Villar, Luis Hontiveros, John Vic De Guzman, at Mark Herras.
Para sa ibang detalye at exclusive content sa Task Force: Firewall, bisitahin lang ang GMANetwork.com.
RELATED CONTENT: MIGUEL TANFELIX AND KYLIE PADILLA STUNNING FACE CARDS