GMA Logo Mga Batang Riles
What's on TV

Miguel Tanfelix, malungkot sa nalalapit na pagtatapos ng 'Mga Batang Riles'

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 29, 2025 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring cloudy skies, rains over parts of PH on Monday, Dec. 15
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Batang Riles


Ano kaya ang gagawin nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Anton Vinzon pagkatapos ng taping nila sa 'Mga Batang Riles'?

Aminado ang aktor na si Miguel Tanfelix na nalulungkot siya sa nalalapit na pagtatapos ng pinagbibidahan niyang GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.

Sa panayam ni Miguel sa 24 Oras, sinabi ni Miguel na bumalik sa kanya ang lahat ng alaala niya noong nagsisimula pa lang ang programa nila.

"Nalungkot po agad ako nung nalaman kong malapit nang magtapos kasi parang bumalik sa akin 'yung memories nung mga nagawa namin from the start," saad ni Miguel.

Dagdag ni Kokoy de Santos, "Hindi pa ako ready na matapos 'tong ganitong klaseng pagsasama. Siyempre, alam ko na pagkatapos nito, oo magkikita-kita pa rin pero siyempre iba 'yung samahan nito na nasa set kayo, during, after."

Para naman kay Antonio Vinzon, nakita niya kina Miguel, Kokoy, Raheel Bhyria, at Bruce Roeland ang tunay niyang mga kaibigan.

RELATED GALLERY: Hottest photos of 'Mga Batang Riles' boys

Aniya, "Masakit kasi nakasama ko na 'yung mga totoong brothers ko, mga one year na kami magkasama. Kahit minsan, minsan na lang kami magkikita, nandoon na 'yung samahan namin bilang mag-tropa."

Dagdag ni Raheel, "Hindi po prepared kasi araw-araw kong iniisip na mababawasan 'yung araw na magsasama kami."

Pagtatapos ni Bruce, "Hanggang ngayon hindi pa nagsi-sink in, siyempre mami-miss ko 'yung mga brothers ko, na-enjoy ko 'yung pagsasama namin."

Ngayong malapit na matapos ang kanilang taping, nagpaplano ang buong cast ng Mga Batang Riles na magbakasyon abroad.

PANOORIN ANG BUONG PANAYAM NI LHAR SANTIAGO SA 24 ORAS DITO: