
Si Miguel Tanfelix ang newest at youngest Be Juan Tama advocate.
Ito ay bahagi ng kanyang bagong pagbibidahan na five-part magazine infotainment special na Planet XP. Ang Planet XP ay partnership ng GMA Network at ng National Council for Children's Television (NCCT) bilang grantee ng 2024 National Endowment Fund for Children's Television (NEFCTV). Ipapalabas ang Planet XP sa GMA simula May 2.
PHOTO SOURCE: @migueltanfelix_
Ngayong April 22, ipinakilala si Miguel bilang bagong advocate ng “Be Juan Tama” advocacy campaign, na kinabibilangan ng infotainment and talk shows na Fast Talk with Boy Abunda, i-Bilib, at Amazing Earth, kasama ang respective hosts na sina Boy Abunda, Chris Tiu, at Dingdong Dantes.
Inamin ni Miguel na may pressure sa kanya na maging bagong advocate ng Be Juan Tama.
Saad ni Miguel, "Siyempre. Noong unang iprinesent sa akin 'yung slide, mga katabi ko: Chris Tiu, Tito Boy, Dingdong Dantes, tapos ako. Sabi ko wow, nakaka-pressure 'to."
Ang paliwanag naman ni Miguel ay ginamit niya ito para mas mapabuti ang halimbawa sa mga kabataan.
"'Yung pressure na 'yun ginagamit ko to be more responsible. Gusto ko kasi kapag tiningnan ako ng mga kabataan, i-idolize nila ako in a way na gusto nilang gawin 'yung mga ginagawa ko sa mga shows ko, dito sa Planet XP."
Dugtong pa ng Planet XP host, "So 'yung pressure na 'yun, ginagamit ko siyang maging fuel."
Mapapanood na si Miguel Tanfelix sa Planet XP tuwing Sabado, simula May 2, 6:30 p.m. sa GMA.