GMA Logo Miguel Tanfelix on Your Honor
Source: Your Honor
What's on TV

Miguel Tanfelix, nabokya na ba sa panliligaw?

By Aedrianne Acar
Published April 26, 2026 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: T-wolves beat Nuggets behind Dosumnu's 43, but lose Edwards, DiVincenzo to injuries
The new 'barely there' beauty secret for glowing, resilient skin
Huwag Kang Titingin: One Word to Describe your Character | Sean Lucas

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix on Your Honor


'Planet XP' host Miguel Tanfelix, gaano kataas ang experience points sa panliligaw?

Na-starstruck sa sobrang kaguwapuhan at presence si Madam Chariz Solomon sa resource person nila ni Vice Chair Buboy Villar na si Miguel Tanfelix. Humarap sa pagdinig ng Your Honor ang mestizo heartthrob nitong Sabado (April 25).

Hindi na nagpaligoy-ligoy si Madam Cha nang makapanayam ang Running Man Philippines co-star ni Buboy at tinanong nito ang Kapuso actor, “Sa pogi mong 'yan nabasted ka na ever?”

“Panigurado may mga times na nabasted ako lalo na nung mga bata pa,” Tugon naman ng StarStruck Kids alum. “Pero, hindi ko na masyado maalala.” Ang dahilan kung bakit hindi raw niya maalala ang mga ito ay dahil puro long-term relationship ang mga nakarelasyon niyang girls.

Paliwanag pa niya sa Your Honor, “So, hindi ako 'yun katulad ng ibang mga lalaki na 'di ba parang ligaw nang ligaw nang ligaw.”

RELATED CONTENT: Miguel Tanfelix, proud na maging parte ng 'Be Juan Tama' campaign

Nabaling naman ang tanungan ng House of Honorables kung ano ba ang definition ni Miguel sa lalaking magaling manligaw. Ayon sa poging resource person, mailalarawan niya ang lalaking magaling sa panliligaw kung 'madulas daw ito sa pagsasalita.'

Ngunit kung siya raw ang tatanungin, hindi raw niya ito quality at mas dinadaan niya sa pagiging sincere sa kaniyang feelings.

“Hindi ako madulas magsalita, pero honest sa nararamdaman ko. So ako, alam ko 'yung definition na magaling manligaw. May mga kilala tayo ganiyan Buboy, parang ang ganda ng mga diskarte, may mga game plan.”

“Ako parang wala, so, very natural ako. Kung ano 'yung nararamdaman ko 'yun ang sinasabi ko. So, 'di ko masabi magaling pero straight to the point.”

“Gaano katagal 'yung halimbawa nanligaw ka dati. Naalala mo ba kung gaano katagal 'yung pinakamatagal mo panliligaw?” Tanong uli ni Chariz.

Sagot naman ni Miguel ay one year. Sumunod niyang kuwento, “Hindi lang din kami talaga nagmamadali at that point. Parang, wala naman din rush na sagot. Sagutin ako kaagad, so, inenjoy muna namin 'yung tipong hindi muna kami official, pero hindi ibigsabihin nun na nagdi-date kami ng iba. Hindi rin ako nakikipagdate.”

Mapapanood si Miguel Tanfelix bilang host ng infotainment show na Planet XP at bibida rin siya soon sa series na Task Force: Firewall.