
Maikli pero puno ng kilig ang naging mensahe ni Miguel Tanfelix para sa kaarawan ni Ysabel Ortega.
Nitong Linggo (January 21), nagkaroon ng advance birthday celebration si Ysabel sa All-Out Sundays. Sa darating na January 25 ipagdiriwang ni Ysabel ang kanyang 25th birthday.
Sa weekend musical comedy variety show, nagkaroon ng special performances si Ysabel. Ilan dito ay ang pagkanta niya ng "Stronger" ni Britney Spears at pagsayaw sa "Oops!... I Did It Again" kasama si Kate Valdez.
Matapos ang pagpapasaya sa stage, binati si Ysabel ng kapwa niya AOS barkada na sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Mark Bautista, at ang on-screen love team na si Miguel Tanfelix.
Pagbati ni Miguel kay Ysabel, "Siguro unang-una batiin lang kita ng Happy Birthday. Pangalawa, gusto kong sabihin na I'm proud of you kasi you've come a long way. Pangatlo, gusto kong mag-thank you sa lahat ng binibigay mo sa akin, pinaparamdam mo sa akin, sa family ko. Pang-apat, I love you."
Masayang reaksyon ni Ysabel sa sinabing ito ni Miguel, "Nagulat ako roon ah!"
Napatili at kinilig naman sa sinabing ito ni Miguel sina Julie Anne, Christian, at Mark. Ani ni Julie Anne, "Wait lang ha! Alam mo first time kong narinig 'yon. Alam mo ang tagal ko ng kaibigan si Miguel at saka si [Ysabel] pero first time ko lang na narinig 'yon. Grabe naman 'yung 'I love you.'"
Bukod kay Miguel, nakatanggap din si Ysabel ng birthday message mula sa kanyang ina na si Michelle Ortega Pimentel at stepdad na si Ret. Gen. Gregorio Pimentel.
"Anak happy happy birthday. Ikaw ang buhay ni mama, you are everything to me," pagbati ng ina ni Ysabel.
"Si Daddy Greg ay suporta 100 percent sa 'yo. You are there on the way to the summit of your success. Your mom and Daddy Greg really love you very much," mensahe naman ng kanyang Daddy Greg.
Happy birthday, Ysabel!
TINGNAN ANG KILIG PHOTOS NINA YSABEL ORTEGA AT MIGUEL TANFELIX SA GALLERY NA ITO: