
“Thank you po sa lahat ng sumusuporta po sa akin [at] sa amin po ni Bianca [Umali]. Abangan niyo po [kasi] marami [pa kaming] Musical.ly [videos].” - Miguel Tanfelix
Namangha ang Kapuso star na si Miguel Tanfelix nang makita ang kanyang sarili sa American television show na Good Morning America gamit ang kanyang Musical.ly videos.
Ang napiling video ng teen actor ay ang “Black or White” na kinanta ni Michael Jackson. Ani ng binata, "Sobrang nakakagulat nga po at ‘yun pa ‘yung napiling video [tapos] ako pa po ang napili nila para i-feature dun kaya sobrang ‘wow!’”
Mapapansing halos araw-araw siya nag-a-upload ng videos sa social media kaya natanong ng Unang Hirit host na si Luanne Dy kung saan niya ito ginagawa. Kuwento ng binata, “Madalas po sa bahay, sa kwarto ko po kung saan maganda ang ilaw and ‘pag nag-a-out of town po kami, sa mga beach po.”
Nagpasalamat si Miguel sa kanyang fans na palaging nagpapa-trending sa kanyang videos sa sikat na phone application, “Siyempre, thank you po sa supporters na nagpatupad po nun.”
READ: Miguel Tanfelix featured on popular music app
“Thank you po sa lahat ng sumusuporta po sa akin [at] sa amin po ni Bianca [Umali]. Sana po huwag silang magsawang sumuporta sa amin [sa] Ismol Family. Abangan niyo po [kasi] marami [pa kaming] Musical.ly [videos],” pagtatapos ng aktor.
MORE ON MIGUEL TANFELIX:
WATCH: Latest dubsmash videos of Miguel Tanfelix go viral again
WATCH: Miguel Tanfelix and Ryzza Mae Dizon lip sync to Meghan Trainors "No"