
Nagsimula na ang taping para sa upcoming action-drama series na Firewall.
Pagbibidahan nito ng Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix, Kylie Padilla, Kyline Alcantara, Jak Roberto, at Buboy Villar.
Iikot ang kuwento nito tungkol sa isang grupo ng law enforcement agents ng lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet sa masamang paraan.
Bilang paghahanda para sa kanyang role, sumabak ang grupo sa gun handling and safety training, pati na sa practical and tactical shooting.
Kuwento ni Miguel, mga miyembro ng Philippine Air Force pa ang nakasama nila para sa training na ito.
"Nagkaroon kami ng isang firing day kasama 'yung Air Force, 'yung buong Firewall, kami nina Kylie, nina Jak," kuwento ng aktor.
Minarapat din daw ni Miguel na sumailalim sa karagdagan pang training kasama naman ang Philippine Army.
"'Tapos ako, nag-overnight ako sa Tarlac. Nag-overnight ako sa Army, sa Armor Division. Nag-overnight ako doon, nag-aral ako kung paano humawak ng pistol, ng mahaba [na mga baril]," kuwento niya.
"Kailangan talaga swak. Kailangan talaga sakto dahil 'yung character ko dito, maalam talaga humawak ng baril. Dapat maalam din ako sa totoong buhay," dagdag ni Miguel.
Bukod kina Miguel, Kylie, Kyline, Jak at Buboy, bahagi rin ng Firewall sina Mark Herras, Cheska Fausto, John Vic de Guzman, at Luis Hontiveros.
Abangan ang Firewall, soon on GMA!
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.