
Hindi pa man umaalis papuntang South Korea, may secret mission na agad ang newest Running Man Philippines cast member na si Miguel Tanfelix!
Last January 23 sa Fast Talk with Boy Abunda, pormal na ipinakilala bilang Seventh Runner sa season two ang 25-year-old actor.
Sa web exclusive video ng Running Man Philippines, binigyan ng mission ni Miguel na hindi dapat mahulaan ng ibang cast na siya ang bagong Runner nang mag-guest ang mga ito sa All-Out Sundays (AOS) noong January 7.
Pero mukhang kinabahan ang Sparkle heartthrob sa AOS nang biglang magtanong si Mikael Daez sa kaniya kung siya ba ang makakasama nila!
Alamin ang naging reaksyon ni Miguel Tanfelix sa nangyari sa video below.
Samantala sa idinaos na Kapuso ArtisTambayan last Wednesday (January 24), ikinuwento ng former Ismol Family actor kung paano ipinaramdam ng ibang Runners ang suporta nila sa kaniya bilang newest addition sa show.
Kuwento ni Miguel, “Very welcoming nga po sila sa akin e. Parang 'pag may joke ako na corny sinusuportahan nila. Na-appreciate ko naman.”
“Tapos ang maganda dun, after nung pagkalapag na pagkalapag nila diretso agad kami sa challenges.
“So, medyo na-test din agad 'yung chemistry namin. Kaya, unexpected talaga lahat,” kuwento ni Miguel.
SEE DASHING PHOTOS OF MIGUEL TANFELIX