
"Last day of Wish I May. Our sincerest thank yous to everyone. Til our next! Maraming salamat po!" - Miguel Tanfelix
Kahapon, May 20, nagtapos ang GMA Afternoon Prime series na Wish I May.
Matapos ang lahat ng pinagdaanan nina Tristan, na ginampanan ni Miguel Tanfelix, at Carina, na ginampanan naman ni Bianca Umali, nabigyan ng pagkakataong muling umusbong ang kanilang pagmamahalan.
Bukod dito, muling nabuo ang kanilang mga pamilya na minsan nang pinaghiwalay ng tadhana.
Taos puso ang pasasalamat ng lead star nitong si Miguel Tanfelix.
Mapapanood naman sa parehong timeslot, simula Lunes, May 23 ang Magkaibang Mundo. Pagbibidahan ito nina Louise delos Reyes at Juancho Trivino.
MORE ON MIGUEL TANFELIX:
WATCH: Miguel Tanfelix dances to new Justin Timberlake song
Miguel Tanfelix, nagbigay ng 'sweet' na tips para ngayong summer