GMA Logo Miguel Tanfelix
Courtesy: migueltanfelix_ (IG), GMA Network
What's Hot

Miguel Tanfelix, nakisayaw sa 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' housemates

By EJ Chua
Published January 8, 2026 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards on reunion with 'Tween Hearts' co-stars: 'The four of us already came a long way'
Pila ka Kapuso Stars, maki-celebrate sa Dinagyang Festival 2026 sa Iloilo City | One Western Visayas
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix


Tila nag-e-enjoy si Miguel Tanfelix sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Masayang nakikipag-bonding ngayon si Miguel Tanfelix sa housemates ni Kuya.

Sa latest episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ipinasilip ang pagpapakilala ng bawat isa sa bagong houseguest na si Miguel.

Bukod sa kuwentuhan, game na game na nakisayaw ang Sparkle actor sa mga Kabataang Pinoy.

Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'

Itinuro ng housemates kay Miguel ang kanilang sayaw sa loob ng Bahay Ni Kuya at pinangunahan ito ng isa pang Miguel: si Miguel Vergara.

Habang nagtuturo, tila hindi kinaya ng housemates ang dance steps ng kanilang kasama kaya naman to the rescue sila bilang back up dancers.

Napuno ng tawanan at kulitan sa Bahay Ni Kuya at nagsisilbi itong patunay na nag-enjoy sila na makasama ang houseguest na si Miguel Tanfelix.

@pbbabscbn

Kapuso MIGUEL VS Kapamilya MIGUEL! DANCE SHOWDOWN 'TO! 🤜🏻🤛🏻 #PBBCollab20MiggyMoment

♬ original sound - Pinoy Big Brother

Courtesy: Pinoy Big Brother

Samantala, patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.