GMA Logo Miguel Tanfelix haircut in Mga Batang Riles
What's on TV

Miguel Tanfelix, nagpagupit sa set ng 'Mga Batang Riles'

By Marah Ruiz
Published March 15, 2025 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix haircut in Mga Batang Riles


Sa set na mismo ng 'Mga Batang Riles' nagpagupit ang bida nitong si Miguel Tanfelix.

Busy sa taping ng GMA Prime action drama series na Mga Batang Riles si Kapuso actor Miguel Tanfelix.

Kaya naman para ma-maintain ang signature hairstyle ng karakter niyang si Kidlat, sa set na mismo ng serye siya nagpagupit.

Sa isang open area sa gitna ng buildings ginupit ni Francis Ortega ng Dailyfades ang buhok ni Miguel.

Dahil walang barber's chair, dalawang monobloc plastic chairs na pinagpatong ang inupuan ni Miguel.

Nasa isang student desk naman ang mga gamit ni Francis.

"kung walang oras, sa set ng mbr mag pa tabas! 😂," sulat ni Miguel sa Instagram kalakip ang isang maikling video nila ni Francis.

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_)

Samantala, mas titindi na ang kalaban nina Kidlat at iba pang mga batang riles sa serye.

Susubukan ni Matos (Bruce Roeland) mapasakanya ang sindikato ni Mr. Fang (Levi Ignacio).

Patuloy namang hahanapin ni Kidlat ang nanay niyang si Maying (Diana Zubiri) kahit pinaniniwalaang patay na ito.

Abangang ang Mga Batang Riles, Monday to Friday, 8:45 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 10:30 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.