
Bagong taon, bagong sorpresa ang hatid ni Kuya para sa mga Kabataang Pinoy sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa recent episodes ng teleserye ng totoong buhay, ipinasilip na ang pagdating ni Miguel Tanfelix bilang bagong bisita sa Bahay Ni Kuya.
Bukod dito, may pahapyaw na rin ang GMA Network sa social media tungkol sa guest appearance ng Kapuso actor.
Si Miguel ang M na tinutukoy ni Big Brother na inaasahan din ni Sofia Pablo na darating sa iconic house.
Sa ilang eksena, napanood kung paano kinilig si Sofia nung akalain niyang ang celebrity crush niyang si Miguel Tanfelix ang nasa harapan na niya.
Anu-ano kaya ang ma-e-experience ng Sparkle star sa loob ng iconic house ni Big Brother?
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito.
Related gallery: Celebrity houseguests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'