
Ibinahagi ng All-Out Sundays star na si Miguel Tanfelix ang kaniyang kinagisnang Christmas tradition kasama ang kaniyang pamilya.
Dahil kailangan pa ring obserbahan ang social distancing dahil sa kasalukuyang pandemya dulot ng COVID-19, masaya na lamang inalala ni Miguel ang kaniyang nakasanayang tradisyon tuwing Pasko kasama ang pamilya.
Kuwento ni Miguel sa All-Out Sundays, "Yung Christmas tradition ng family namin, sa umaga hanggang sa tanghali nandoon kami sa side ng dad ko. Tapos 'pag gabi hanggang madaling araw nandoon kami sa side ng mom ko. Para sa akin, sobrang saya ng tradition na 'yun kasi nakakapag-bonding ako with both sides ng family."
Miguel Tanfelix's family photos