
Nakipag-bonding ang Kapuso Ultimate Heartthrob na si Miguel Tanfelix sa mga taga General Santos City nang mag-show siya roon noong September 1 para sa taunang Tuna Festival.
Sa ilalim ng GMA Regional TV, nag-participate si Miguel sa Kapuso Float Parade sa ilang major streets ng GenSan at nakisaya sa Kapuso Fiesta kasama ang What We Could Be leading lady niyang si Ysabel Ortega, at Return To Paradise love team na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.
Dinumog ng fans si Miguel sa Kapuso Fiesta kung saan hinarana niya ang mga tagasubaybay niya na dumalo sa jam-packed event na ginanap sa Oval Grandstand sa GenSan.
Mapapanood sa video na ito ang hiyawan ng kanyang fans na kinilig nang makita ang aktor matapos itong muling bumisita sa lugar.
Masuwerte naman ang isang fan na ito na nakapagpa-picture at nahawakan pa ang kamay ni Miguel habang nasa stage.
Ito na ang pangalawang regional event ni Miguel simula noong pandemya.
Noong Agosto, nagkaroon ng mall show si Miguel sa Cagayan de Oro City para naman sa Higalaay Festival kasama ang Voltes V: Legacy co-stars niya na sina Ysabel, Martin Del Rosario, Radson Flores, Raphael Landicho, at Matt Lozano.