What's Hot

Miguel Tanfelix, proud boyfriend kay Ysabel Ortega sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

By Kristine Kang
Published April 23, 2026 10:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bangusine 2026 draws crowd to Dagupan food showcase
Romualdez camp to question precautionary hold departure order
Gordon Ramsay Bar & Grill to launch world's first 'Idiot Sandwich' pop-up in BGC

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega


Miguel Tanfelix kay Ysabel Ortega: 'Pinaghirapan niya ang role.'

Certified proud boyfriend ang Kapuso star na si Miguel Tanfelix sa kanyang real-life girlfriend na si Ysabel Ortega.

Sa kanyang panayam kasama ang 24 Oras, labis daw ang tuwa at hanga ni Miguel kay Ysabel sa kanyang pagganap sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Bilang si Hara Armea, maraming fans ang tumatangkilik at humahanga sa aktres. Mula sa action scenes hanggang sa pagbitaw ng mga linya, kuha raw ni Ysabel ang matapang na ugali ng kanyang karakter.

"Proud ako. Proud ako kay Ysabel dahil may mga times na pinapanood niya sa akin 'yung episodes and nage-enjoy naman ako at natutuwa ako na napapansin siya ng Encantadiks kasi pinaghirapan niya ang role," pahayag ni Miguel.

Related content: Tingnan ang K-drama feels escapade nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, dito:

Samantala, patuloy ang paghaharap ng mga Sang'gre laban sa hukbo ni Bathalang Gargan (Tom Rodriguez).

Buong-loob din lumalaban sina Hara Armea at mga Sapiryan para ipaghiganti ang pagkawasak ng kanilang kaharian at maprotektahan ang Encantadia.

Abangan ang mga kaabang-abang na eksena ni Ysabel sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Silipin dito ang ilang behind-the scenes ni Ysabel Ortega sa gallery na ito: