GMA Logo miguel tanfelix sasuke training
What's Hot

Miguel Tanfelix talks about his Sasuke-inspired training

By Jansen Ramos
Published August 17, 2022 2:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas in Kyiv choose their families and the lives they’ve built amid the war
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

miguel tanfelix sasuke training


Tinawag na "Sasuke training" ni 'What We Could Be' and 'Voltes V: Legacy' star Miguel Tanfelix ang isa sa kanyang agility training.

Nagkwento si Miguel Tanfelix tungkol sa agility training niya, na tinawag niyang "Sasuke training," sa guesting niya sa Unang Hirit noong Martes, August 16, kasama ang What We Could Be co-stars niya na sina Ysabel Ortega at Yasser Marta.

Ayon kay Miguel, tinawag niya itong "Sasuke training" dahil inspired ang outfit niya sa fictional character ng manga series na Naruto noong kinuhanan niya ito ng video na ipinost niya sa Instagram noong May 18.

Mapapanood dito ang reflex and reaction training niya kung saan masusuri ang kanyang speed at agility sa pamamagitan ng light pods na nakakabit sa isang dome.

A post shared by Miguel Tanfelix (@migueltanfelix_)


Suot ni Miguel ang isang loose fitting dark blue jacket na may high collar at black training shorts na maihahalintulad nga naman kay Sasuke.

Sa Naruto, si Sasuke ay miyembro ng Uchiha clan, isa sa mga makapangyarihang ninja family. Siya ay best friend at kalaban ng bidang si Naruto.

Bahagi ni Miguel, kailangan niya ng ganitong klaseng training para hindi maging stiff ang kanyang katawan.

"'Yung ginawa ko po agility training s'ya kasi ayokong mawala 'yung pagiging agile ko kasi, 'di ba, 'yung iba 'pag nagpapa-buff, bumibigat po sila.

"Ako kailangan ko magsayaw, kailangan ko mag-basketball, nagfi-frisbee ako."

Marahil ay pang kondisyon din ito ni Miguel sa kanyang katawan para sa fight scenes niya sa inaabangang Voltes V: Legacy kung saan lalabas siyang Steve Armstrong, ang lider ng Voltes V team.

Pero bago ang live-action adaptation series, mapapanood muna siya sa rom-com series na What We Could Be na ipapalabas na sa August 29 sa GMA Telebabad.

NARITO ANG PASILIP SA BAGONG SERIES: