
Beast mode sa iba't ibang training si Miguel Tanfelix bilang paghahanda niya sa highly-anticipated live-action series na Voltes V: Legacy.
Kahit may background na noon sa mixed martial arts ang aktor ay patuloy pa rin siya sa kanyang combat and stunt training para sa kanyang role na Steve Armstrong.
Once in a while kasama rin ni Miguel ang kanyang co-stars na sina Ysabel Ortega at Matt Lozano sa combat training para mas maging strong ang kanilang bonding.
Kamakailan ay nag-train din siya sa pagmo-motor at gun firing and handling with no less than Olympian and world shooting champion na si Jethro Dionisio.
Para kay Miguel, exciting daw na may matutunan siyang bagong skill.
"Gusto kong matutunan 'yung mga bagay na ginagawa ni Steve kaya eager naman akong matutunan 'yon.
"Kahit mahirap s'ya, tuloy pa rin ako sa traning at kahit na medyo masakit s'ya sa kamay minsan, kinakalyo 'ko sa palad, nagpapaltos, walang problema 'yun dahil nag-e-enjoy naman ako sa process na ginagawa ko," bahagi ni Miguel sa panayam ni Cata Tibayan para sa 'Chika Minute' segment ng 24 Oras kagabi, August 11.
Higit na importante raw kay Miguel ang vlaues na natutunan niya sa firing.
"Kailangan mo ng discipline sa sarili lalo na kung malaking responsibility, malaking danger 'yung nasa kamay mo kaya kailangan kalmado ka palagi.
"Hindi porket may hawak kang baril, gagamitin mo s'ya at all times," paalala ni Miguel.
Samantala, hindi naman napagilan ni Miguel na mamangha nang makita ang actual set ng Big Falcon, ang kampo ng Voltes 5 team.
'Sobrang ganda. 'Di ko akalain na e-effort-an nila nang gan'on 'yung studio and meron kaming mga gamit do'n na ngayon ko lang nakita sa set ng isang taping, ngayon lang 'yun gagamitin.
"Sobrang na-a-amaze ako no'ng nakita ko 'yun kaya kung makikita 'yun sa TV, for sure, ganito rin 'yung magiging reakson n'yo."
Panoorin ang buong repot ng Cata sa video sa itaas.
Sina Miguel, Ysabel, at Matt ay gaganap bilang mga miyembro ng Voltes 5.
Kasama sa Voltes 5 team si Radson Flores, na gaganap bilang Mark Gordon, isang rodeo champion.
Tampok din si Raphael Landicho bilang John "Little Jon" Armstrong, ang teen genius ng Voltes 5 team.
Alamin kung sinu-sino pa ang mga aktor na kabilang sa Voltes V: Legacy dito:
Ang Voltes V: Legacy ay ipo-produce ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero at direksyon ni Mark Reyes.
Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng TOEI Company and Telesuccess Productions, Inc.