What's Hot

Miguel Tanfelix tries his luck in singing

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 20, 2020 8:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Magaling siyang sumayaw. Magaling din ba siyang kumanta? Sasagutin 'yan ni 'Niño' star Miguel Tanfelix.   
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Marami ng talents si Niño star Miguel Tanfelix pero hindi pa rin siya tumitigil na madagdagan pa ang mga ito. Kaya naman pati ang pagkanta ay pinag-aaralan na rin ngayon ng batang aktor.
 
StarStruck Kids pa lamang ay nagpakita na ng kanyang talents si Miguel. Mas nakilala nga siya noon dahil sa kanyang husay sa pagsayaw. Kahit ngayong teenager na siya, napapasigaw pa rin ni Miguel ang audience sa kanilang mall shows dahil sa kanyang moves.
 
Sa katunayan nga ay mayroong pinauso si Miguel na dance move sa Niño na tinawag niyang ‘Ay Nadapa!’ Itinuro niya pa nga sa isang video tutorial kung paano ito sayawin.
 
Sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute, sinabi ni Miguel na gusto niya pang matuto ng maraming bagay. “Bilang isang artista, kailangan nating gawin lahat. Kailangan nating umarte, mag-host, magsayaw. Eh hindi ako marunong kumanta. Kaya ito nag-aaral nga po ako,” pahayag niya.
 
Inamin naman ni Miguel na hindi siya magaling kumanta kaya’t pag-aaralan niya nang mabuti ang bagong challenge sa kanyang career. "Hindi po talaga ako kumakanta kaya bago po sa 'kin 'to ngayon kaya gusto ko siyang i-try. Kaya para may maiba naman po sa akin,” saad niya.