
"Nangyari na 'yung most awaited ng fans at matagal nilang hinihiling na magkaroon ng first kiss sina Pagaspas at Lawiswis," 'yan ang bungad ni Kapuso actress Bianca Umali nang tanungin sila ni Miguel Tanfelix tungkol sa kissing scene nila sa Mulawin VS Ravena.
Bagama't smack lang daw ang kiss, napasaya pa rin ng BiGuel ang kanilang fans at viewers. Pero si Miguel na nagbibigay buhay kay Pagaspas, umaming kulang pa ang kiss nila ni Lawiswis na role naman ni Bianca. "Oo nga eh bitin," saad ng aktor.
Ayon kay Bianca, hindi raw niya inasahang kukuhanan na ang kissing scene nila ni Miguel noong araw na 'yon. Pero ang kanyang love team, matagal nang hinihintay ang pagkakataong ito. "Ako in-expect ko. Ang tagal kong in-expect," natatawang sambit ni Miguel.
Kuwento pa ng BiGuel, parang natural lang daw ang kanilang kissing scene at nagawa pa nilang mag-apir pagkatapos ng take. "When we shot that scene, it was the first scene nung araw po na 'yon. Kaya fresh pa," ani Bianca.
"Ang favorite part po namin doon is 'yung nagyakapan 'yung wings namin. Ang ganda nung pinanood po namin," dagdag pa ni Bianca.
Panoorin ang nakakakilig at pinag-usapang eksena nina Pagaspas at Lawiswis sa Mulawin VS Ravena.
MUST-READ: Netizens, kinilig sa kissing scene ng BiGuel sa 'Mulawin VS Ravena'