
Bago ipalabas ang maaksyong Voltes V: Legacy, ma-i-in love muna ang mga manonood kina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa upcoming series nila na What We Could Be ngayong 2022.
Ayon sa Instagram live video nina Miguel at Ysabel sa account ng Sparkle, exciting ang kanilang first official project dahil collaboration ito ng GMA at Quantum Films. Sasailalim ang What We Could Be sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.
Bahagi ni Ysabel, "Super exciting din 'yon and, of course, it's directed by Jeffrey Jeturian which is his first project here in GMA after so long, and it's very, very exciting 'tapos kasama namin ang Quantum Films. It's a going to be a collaboration and sobrang excited kami sa soundtrack ng show, mapanakit."
Ayon sa Instagram post ng Quantum Films COO na si Atty. Joji Alonso noong January 14, gagamitin ang latest hit single ng breakout artist na si Zack Tabudlo na "Pano" bilang official theme song ng What We Could Be.
Ang What We Could Be ang unang soap na ipo-produce ng Quantum Films sa free TV. Tampok din sa serye si Yasser Marta.
Isa lamang sa mga na-produce na pelikula ng independent production company ang award-winning rom-com na #WalangForever nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales.
Samantala, narito ang iba pang Kapuso shows na aabangan ngayong 2022: