GMA Logo miguel vergara
Source: miguelvergara26/IG
What's Hot

Miguel Vergara, buong-buo na ang loob sa pagpasok sa Bahay ni Kuya

By Kristian Eric Javier
Published October 23, 2025 5:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, isolated rains to prevail over parts of PH on Wednesday
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

miguel vergara


Buong-buo na ang loob ng dating child actor na si Miguel Vergara na pumasok at harapin ang mga pagsubok sa loob ng bahay ni Kuya.

Kahit matagal na sa showbiz, soft-spoken pa rin ang dating child star na si Miguel Vergara.

Kaya naman sa pagpasok niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, kakayanin kaya niya ang demands at ingay sa loob?

Sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, inamin ni Miguel na noong una ay hindi siya 100 percent na sigurado sa pagpasok niya sa Bahay ni Kuya.

“But sabi po ng dad ko, 'Think about it,' kasi 'pag pumasok ako du'n sa first interview, it means I'm 100 percent committed to PBB. It's a new experience naman po, and I get to meet new people so that intrigued me a lot po so I said yes,” saad ni Miguel.

Ngayong desidido na siya, ano kaya ang mga babaunin ng Star Magic actor sa pagpasok sa Bahay ni Kuya?

“Just my lola's rosary po. My lola passed away po kasi parang three years ago, so dinadala ko po 'yung rosary niya. Every birthday po ng lola ko, there's always a parang white or yellow butterfly. Before I left for PBB, there was a yellow butterfly po nu'ng despedida po namin, so I think good luck [iyon] sa akin ng lola ko,” pagbabahagi ni Miguel.

BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA 'THE BIG COLLOVE FANCON' SA GALLERY NA ITO:

Sa kabila ng kaniyang shy demeanor, competitive umano si Miguel, bagay na nakuha niya sa paglalaro ng tennis, at dadalhin niya sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Sa emotional side naman po, I also like listening to stories, I like listening to people. I think that's one quality that I think will help inside the house,” sabi ni Miguel.

Aminado naman si Miguel na isa sa magiging malaking pagsubok sa kaniya ay ang household chores. Paglilinaw ng aktor ay marunong naman siya sa mga gawaing bahay, ngunit hindi siya magaling dito. Kaya naman, tingin niya ay ito ang magbibigay ng pinakamalaking pagsubok sa kaniya.

“Tapos 'yung siyempre pakikisama po. Siyempre, kailangan pong makisama and I'll just be myself po inside the house and I'll just have fun,” sabi ng aktor.

Panoorin ang panayam kay Miguel dito: