
Kakaibang katangian ni Miguel Vergara ang nasaksihan ng viewers sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
*Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Sa nagdaang episodes ng teleserye ng totoong buhay, ipinasilip ni Kuya ang mga kaganapan sa loob ng kanyang bahay matapos ang announcement niya tungkol sa pananatili ng apat na housemates sa Ultimate Eye platform.
Kasunod nito, natunghayan ang sunud-sunod na pagsasakripisyo ni Miguel para sa nabanggit na housemates na kabilang na sa Ultimate 8 ni Big Brother.
Dito ay hinangaan si Miguel sa buong puso niyang pagtulong kina Caprice Cayetano (Sparkle), Ashley Sarmiento (Sparkle), Lella Ford (Star Magic), at Krystal Mejes (Star Magic).
Isa sa mga ginawa ni Miguel ay ang pag-ipon ng tubig mula sa swimming pool gamit lang ang kutsara.
Nagdesisyon din siyang matulog sa garden area kapalit ng pillows at blankets para sa apat na housemates na kasalukuyang sa platform natutulog at nag se-stay.
Bukod sa mga ito, nag 400 laps si Miguel para naman sa sapat na pagkain nina Caprice, Ashley, Lella, at Krystal.
Narito ang ilang reaksyon ng viewers at netizens sa pagsasakripisyo ni Miguel sa Bahay Ni Kuya:
Ano pa kaya ang susunod na mangyayari sa mga Kabataang Pinoy housemates sa teleserye ng totoong buhay?
Sino kaya ang susunod na papasok sa Ultimate 8?
Abangan 'yan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, mapapanood ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.