
Umamin ang aktres na si Mika dela Cruz na na-bully siya noong elementary siya dahil sa kanyang baon na raw Carrots at Nori.
Sa pagpapatuloy ni Mika, nawi-weird-uhan sa kanya ang kanyang mga kaklase dahil hindi nila alam kung ano ang Nori. Sa Japan kasi pinanganak ni Mika kaya nahilig siya sa mga Japanese foods.
“Ang favorite school snack ko noong elementary ako ay raw Carrots at saka Nori,” pag-amin ni Mika sa kanyang vlog.
“Ang Nori ay Japanese seaweed, 'yung malutong. 'Yung kulay Green na parang papel. 'Yun 'yung Nori.
“Naaalala ko lagi akong binu-bully nung bata kasi hindi nila naiintidihan.”
Kuwento pa ni Mika, inaasar siya ng kanyang mga kaklase na 'rabbit' dahil sa raw carrots na kinakain niya.
Aniya, “Inaasar nila ako na rabbit daw ako kasi talagang raw Carrots tapos minsan 'yung buo pa talaga.”
“Healthy kid ako kasi healthy ang raw Carrots at seaweed pero napagtawanan tayo d'yan, na-bully tayo d'yan.”
Pinaliwanag din ni Mika kung saan nagmula ang kanyang buong pangalan na Mariko Nicolette.
Panoorin ang part 2 ng vlog ni Mika:
Mika Dela Cruz reveals she has a 'barcode' on her left arm