
Aminado ang bagong Kapuso na mahilig siya sa makeup at may tutorial videos sya sa YouTube. Seryoso nga ba si Mika sa pagiging makeup guru?
Isa sa mga gusto i-pursue ng aktres na si Mika Dela Cruz ay ang pagagawa ng makeup tutorials sa YouTube.
Kwento niya sa isang exclusive interview with GMAnetwork.com: “Actually nag-post ako ng isang make-up tutorial sa YouTube channel ko, and ang daming nag-request na magdagdag ako. Siguro very soon paghuhusayan ko rin 'yung tutorials ko. Siguro magfo-focus din ako [sa pagawa ng makeup tutorials] at some point. ‘Yun lang, nag-aaral pa rin ako, pero soon madadagan ko rin 'yung video. And siguro baka maging hobby ko rin siya na parang maging makeup guru in the future, diba?”
Video from Mika dela Cruz' YouTube channel
Paano nga ba natuto si Mika mag-makeup?
Aniya, “Syempre ang gagaling ng makeup artists natin. So, [ako,] natututo na lang din, nag-a-ask ng tips [sa mga makeup artists.] Self-knowledge lang din, natutunan ko lang din.”
Ilan sa kanyang favorite makeup artists sa YouTube ay sina Kathleen Lights and Jaclyn Hill. Paliwanag niya, “Lahat sila magagaling.”
More on Mika Dela Cruz:
IN PHOTOS: Meet Mika Dela Cruz