
Lahat ng tao may pangarap maging “someone” o makamit ang “something.” At minsan, ang kailangan lang ay ang tamang taong nakapaligid sa iyo.
Nakababatang kapatid ang trato ni Katarina (Arra San Agustin) sa kaniyang maid na si Alyana (Mika Dela Cruz).
Dahil pangarap niyang maging chef si Alyana, pinasok niya ito sa isang cooking class na pinangungunahan ni Chef Chris (Gil Cuerva)--ang kaniyang ex.
Kalaunan, nagugustuhan ni Chris si Alyana nang hindi namamalayan na siya ay isang maid. At nasorpresa si Katarina nang malaman niyang ex pala niya ang nagtuturo kay Alyana.
Mika Dela Cruz, Arra San Agustin, at Gil Cuerva sa 'Dear Uge' / Source: GMANetwork (YouTube)
I-dump kaya ni Alyana si Chris o ipagpatuloy ito kahit na may past sila ni Katarina?
Alamin ang mangyayari sa nalalapit na July 7 episode ng Dear Uge na pinamagatang “Yaya-manin” kasama sina Mika Dela Cruz, Arra San Agustin, at Gil Cuerva ngayong Linggo, September 13, pagkatapos ng All Out Sundays.