
Lubos na na-enjoy ni Kapuso actress Mika dela Cruz ang kanyang bakasyon sa Ilocos, lalo na at kasama niya ang ilan sa kanyang mga kaibigan.
Sa biyaheng ito, isang item daw ang natanggal sa kanyang bucket list.
Nakapasyal kasi si Mika sa sand dunes ng Paoay sakay ang isang off-road vehicle.
"The off-road experience was always a part of my bucket list but the one thing I'm so happy about is that I got to try it with these amazing people! Masaya 'yung activities, breathtaking 'yung view," sulat niya sa kanyang Instagram account.
Noong nakaraang buwan, nagbukas si Mika ng isang photo studio kung saan kasosyo niya ang kanyang kapatid at kapwa aktres na si Angelika dela Cruz.
Mika Dela Cruz, aminadong hindi ready mag-post ng bikini photo
WATCH: Sisters Angelika and Mika Dela Cruz open new business