
Inilabas na ang official music video ng first-ever single nina Mika Salamanca at Brent Manalo na pinamagatang “What If Tayo?”
Napapanood sa YouTube channel ng Star Music ang naturang music video na mayroong 300K views na as of this writing.
Sa comments section, labis ang kilig na nararamdaman ng netizens dahil sa ganda ng awitin at music video, at sa magandang chemistry nina Mika at Brent.
Noong September 12, inanunsyo ng Kapuso star na inilabas na ang kanilang first-ever single ni Brent.
“I HAVE A SONG WITH MY BEST FRIEND… - 'what if tayo' OUT NOW!” sulat niya sa post.
Matatandaan na tinanghal na Big Winner Duo sina Brent Manalo at Mika Salamanca sa naganap na Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition noong Hulyo.
Samantala, kabilang sina Mika at Brent sa bibida upcoming TV series na The Secrets of Hotel 88 kasama ang kanilang kapwa housemates. Ang naturang show ay ang latest collaboration ng GMA Network at ABS-CBN.
RELATED GALLERY: The PBB journey of Big Winners Mika Salamanca and Brent Manalo