
Kinakiligan at patuloy na humahakot ng views online ang recent vlog nina Mika Salamanca at Will Ashley.
Sa YouTube, mapapanood sa mga naunang videos ang travel vlog nina Mika at Will, kung saan na-prank ng una ang huli.
Kunwaring pupunta sa isang haunted house ang dalawa ngunit ay totoo ay biglaan pala silang magta-travel papunta sa Vietnam.
Sa kanilang Vietnam vlog, naisip ng Sparkle actor na subukan nila ang 24-hour Jowa challenge at ginawa nga nila ito pagkauwi nila sa Pilipinas.
Sa latest video na makikita sa social media accounts ni Mika, mapapanood ang nakakakilig nilang moments bilang kunwaring mag-boyfriend.
Isa sa highlights nito ay ang pag-alala ng dalawa sa naging samahan nila sa loob ng Bahay Ni Kuya noon bilang housemates.
Sa naturang vlog, nagluto si Mika ng Bicol express para kay Will na ayon sa huli ay favorite niya sa mga luto ng una.
Panoorin ang Jowa challenge nina Mika at Will na tinatawag ng shippers na MikWill.
Si Mika ang itinanghal na Kapuso Big Winner sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition,' habang si Will naman ang nag-uwi ng titulong Kapuso 2nd Placer sa Big Night ng collab reality competition.
Related gallery: Bonding moments ng PBB Celebrity Collab Edition housemates sa outside world
Sina Mika at Will ay kilala rin bilang parehas na members ng iconic Pamilya De Guzman.