
Tila unstoppable ang bonding at kulitan moments ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Big Winner Duo na sina Mika Salamanca at Brent Manalo.
Related gallery: Bonding moments ng PBB Celebrity Collab Edition housemates sa outside world
Sa isang video, sabay nilang sinubukan ang isang TikTok trend, kung saan may sarili silang gimik sa topic at caption na kanilang ibinida.
Kinakiligan ng fans at netizens ang kanilang kulitan sa video habang ginagawa ang “Smile if you want a different duo” challenge.
Mababasa sa comments section ang positive comments at reactions ng mga nakapanood na ng TikTok video:
Sa kasalukuyan, mayroon na itong 2 million views sa video-sharing application.
@mikasalamanca #nagtitimpi #nataposstreaknamintoday #lumbay #KuyaChangeDuoNaPlease #RequestingDuoFormation ♬ sonido original - 180700
Bago ito, napanood sina Mika at Brent sa YouTube, kung saan guest ang huli sa vlog ng una na '1 shot, 1 cringe” challenge.
Abala ngayon ang Big Winner Duo sa kanilang acting workshops para sa paghahanda sa kanilang upcoming projects.