
Nakisaya ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Big Winners na sina Mika Salamanca at Brent Manalo sa It's Showtime ngayong Lunes (July 7).
Bumisita sina Mika at Brent sa noontime variety show bilang bahagi ng ”Board Members” ng segment na “Breaking Muse” kasama ang komedyanteng si Iyah Mina.
Matapos ito, bumisita ang BreKa sa online show na Showtime Online U, kung saan nakapanayam sila ng mga host.
Isa sa mga tinanong sa kanila ay kung may pressure ba silang nararamdaman matapos hirangin bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
“Sa totoo lang, meron po talaga, especially hindi ko po kasi in-expect na 'yung paglabas ko, 'yung welcome ng tao iba. Kasi in-e-expect ko, controversial. So hindi ko in-expect na na-redeem ko 'yung sarili ko. So pressure po 'yon sa akin, siyempre dati kahit ano'ng gawin ko, wala na din naman, nandiyan na sa laylayan e. So kahit na ano'ng gawin ko, wala na, ayan controversial na naman siya e.
“Pero ngayon kasi parang kang may inaalagaan na expectations ng mga tao sa 'yo. And syempre, being a Big Winner is a huge thing. Before sa amin, parang lang siyang, token na siya, title siya. Pero ngayon, kapag nakita mo kasi 'yung mga tao, kung paano nila tingnan 'yung pagiging Big Winner, kailangan mong gampanan din 'yun para sa kanila,” ani Mika.
Ayon naman kay Brent, nais nilang maging inspirasyon ni Mika sa iba na huwag bumitaw sa kanilang mga pangarap.
“Ngayon po, we have a bigger platform. Gusto namin maging magandang halimbawa sa mga kabataan, sa mga ka-edad namin, and mas mag-serve talaga na inspiration na huwag tumigil pagdating sa pangarap,” aniya.
Ibinahagi rin nina Mika at Brent ang biggest lesson o takeaway nila matapos ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
“Siguro po, wag mong kakalimutan kung ano 'yung purpose mo talaga sa buhay kasi madaling makalimutan 'yun, especially sa mundo nating maingay. Sa loob po kasi, kahit nasa loob na po kami, nakakalimutan po namin kung bakit kami nandoon. So kung nasaan ka sa buhay mo ngayon, lagi mong iisipin bakit ka nandyan and para saan ka nandyan," pagbabahagi ni Mika.
Para naman kay Brent, natutunan niyang magtiwala sa sarili. Aniya, "Anything is possible as long as may kumpiyansa ka sa sarili mo. Kahit ang daming pwedeng sabihin sa 'yo pero kilala mo 'yung sarili mo e, walang tatagos diyan."
Matatandaan na itinanghal na Big Winner ang BreKa sa naganap na Big Night sa New Frontier Theater kamakailan.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
ALAMIN ANG PBB JOURNEY NINA MIKA SALAMANCA AT BRENT MANALO SA GALLERY NA ITO.