
Nakisaya at naki-celebrate sa 3rd anniversary ng TiktoClock sina Mika Salamanca at Brent Manalo.
Ngayong July 22, nakisali sa week-long anniversary special ng TiktoClock ang BreKa na tambalan nina Mika at Brent. Ang BreKa ay ang first PBB Celebrity Collab Edition big winners.
Sa kanilang pagbisita sa TiktoClock, naging bahagi sila ng pamimigay ng premyo sa "Match Maswerte" at "Eba't Adan". Ang mga exciting na segments na ito ay may hatid na triple prizes sa mga Tiktropa sa inihandang "Fiesta Roleta" ngayong 3rd anniversary ng TiktoClock.
Bukod dito, may kilig moment pa ang BreKa sa TiktoClock studio.
Balikan ang pagbisita nina Mika at Brent sa TiktoClock week-long anniversary special:
Patuloy na subaybayan ang exciting na anniversary special ng TiktoClock simula July 21 to 25, 11:00 a.m. sa GMA.
SAMANTALA, BALIKAN ANG PHOTOS NG 'TIKTOCLOCK' STARS SA 75TH ANNIVERSARY NG GMA: