
Kahit wala pa ang mismong palaro sa The People Have Spoken, naghatid na agad ng kilig vibes ang Team MIKWILL (Mika Salamanca at Will Ashley)!
Sa isang YouLOL exclusive, sinagot muna ng Delivery Boi stars ang POV Check question: "Mas okay ba ang 'True love waits' o 'Strike while the iron is hot'?"
Para kay Mika, agad niyang pinili ang "True love waits."
"Everything that's burning will burn fast. Everything that's hot burns fast. Parang ganoon," paliwanag niya.
Sang-ayon naman si Will na naniniwalang mahalagang hintayin ang tamang panahon sa pag-ibig.
"Feeling ko talaga 'di dapat minamadali ang love, e. Dapat love waits. Kumbaga, perfect timing. Darating at darating 'yan para sa iyo," sagot niya.
Abangan ang Team MIKWILL vs. Team EDSHAI (EA Guzman at Shaira Diaz) sa The People Have Spoken, ngayong Sabado, 6:15 p.m. sa GMA.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available ang full episodes at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: