
Sa pagsalubong sa Bagong Taon, binalikan ng Sparkle star na si Mika Salamanca ang ilang best moments niya noong 2025.
Sa isang TikTok video, sinabayan ng aktres ang New Year's Eve trend na pagkain ng 12 grapes sa ilalim ng mesa at binalikan ang blessings na dumating sa kanya noong nakaraang taon.
Mula nang tanghaling Big Winners ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, kasama ang ka-duo at Kapamilya star na si Brent Manalo, na nagdala sa kanya ng iba't ibang opportunities tulad ng "The Big ColLove" concert, endorsements, billboards, guestings, show, at movie, hanggang sa makapag-publish ng una niyang children's book na "Lipad" at mabili ang kanyang dream car.
Nakapag-release din siya ng rendition ng 2010 hit track na "Sino Nga Ba Siya," na available sa iba't ibang digital streaming platforms.
Bukod diyan naging aktibo rin siya sa pagbibigay ng mga donasyon tulad ng napanalunan niyang PhP1 million cash prize mula sa PBB na dinonate niya sa Duyan Ni Maria Children's Home, isang orphanage sa Mabalacat, Pampanga.
"Tbh, I boomerang it back to God," caption ni Mika.
Congratulations, Mika Salamanca!
Related content: The PBB journey of big winners Mika Salamanca and Brent Manalo