
Ngayon na nakalabas at itinanghal na bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition ang BreKa Duo na sina Mika Salamanca at Brent Manalo, naghahanda na ang dalawa para i-pursue ang kanilang goals.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, July 7, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung ano na ang plano nina Mika at Brent ngayong nakalabas na sila ng Bahay ni Kuya.
Sagot ni Mika, “Ako po, ipu-pursue ko po, music!”
Nang tanungin naman siya ng batikang host kung ano ang kanta ng kaniyang buhay ngayon, inawit ni Mika ang ilang bahagi ng “A Million Dreams” mula sa pelikulang “The Greatest Showman.”
Samantala, si Brent naman ay handang tumanggap ng kahit anong oportunidad na darating sa kaniya.
Ngunit hiling ng aktor, “Pero hopefully talaga, as mag-focus pa sa pag-arte, Tito Boy.”
Pagbabalik tanaw ni Boy, noong una, ay hindi naman sobrang passionate si Brent sa pag-arte at pagiging isang aktor. Ani Brent, ang nagbago ay ang kagustuhan niyang patunayan ang sarili na kaya niyang maging aktor.
“Kasi I've been told so many times na I'm really not meant for acting, na it's not possible. But now na bigger stage or bigger platform na ang meron ako, hopefully, mas makapag-focus po talaga,” sabi ni Brent.
Dahil sa sinabing ito ng aktor, hiningan sila ni Boy ng payo para sa mga taong nasasabihan din na hindi nila kaya ang isang bagay. Ang payo ni Brent, “Ako, lagi kong sinasabi, the whole world may doubt you but as long as you believe in yourself, anything is also possible.”
Pagbabahagi naman ni Mika, “Maybe ngayon, hindi mo kaya, pero naniniwala ako, and kailangan mong pagkatiwalaan ang sarili mo na kakayanin mo.”
Sang-ayon naman ang batikang host sa mga sinabi ng dalawang aktor, at sinabing parte ng proseso ang paghihintay at pag-e-ensayo.
BALIKAN ANG NAGING PBB JOURNEY NINA MIKA AT BRENT SA GALLERY NA ITO: