
Naghatid ng saya ang ilang former housemates ng first at second season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa noontime variety show na It's Showtime ngayong Biyernes (August 14).
Napanood mag-perform on stage sina Mika Salamanca, Will Ashley, Klarisse De Guzman, AC Bonifacio, Lella Ford, Joaquin Arce, Ashley Sarmiento, at Marco Masa.
Bumisita rin sa It's Showtime ang Kapuso It Girl at global endorser na si Gabbi Garcia at award-winning Kapamilya host na si Bianca Gonzalez para maghatid ng espesyal at exciting news.
READ: Bianca Gonzalez, Gabbi Garcia, reveal 'Pinoy Big Brother Collab 3.0'
"Ang dami-daming nagtatanong, pero this is it. Ito na ang takdang panahon para sabihin na muling magbubukas ang bago at pinakasikat na bahay sa buong Pilipinas. Dito sa panibagong season na Pinoy Big Brother Collab 3.0!" paglahad ni Bianca.
Dagdag ni Gabbi, "Sanib-pwersa pa rin ang GMA at ABS-CBN Studios. At kung 'yung dalawang nakaraang collab seasons ay mga celebrity housemates ang pinatuloy ni Kuya, bagong grupo ng mga housemate naman ang kanyang hinahanap.”
Para sa bagong season, magbubukas ang bagong Bahay ni Kuya para naman sa mga ordinaryong Pilipino.
Bilang magbabalik ang Pinoy Big Brother, nagbigay din ng mga advice ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Big Winners para sa future housemates at nauna na rito ang Delivery Boi actress na si Mika Salamanca.
“Live lang talaga inside the house. Huwag mong isipin 'yung labas ng bahay ni Kuya kasi doon ka maguguluhan. So you really just enjoy inside the PBB House talaga,” pagbabahagi niya.
Payo naman ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Kapamilya Big Winner na si Lella Ford, importante ang pagpapakatotoo sa loob ng bahay ni Kuya.
Aniya, “'Wag kayong mawawala kasi siyempre wala kayong idea sa nangyayari sa outside world. So siyempre, more on overthinking. But, tatandaan n'yo lang na always stay true to yourself, 'yun 'yung pinaka-importante.”
Para kay Brent Manalo, na nagwagi rin kasama ni Mika bilang Big Winner sa PBB Celebrity Collab Edition, mag-enjoy lamang ang future housemates dahil aniya'y once in a lifetime opportunity ito.
“Enjoy your stay. Kasi 'yung ise-stay mo sa loob ng Bahay [ni Kuya], it's fleeting. Hindi mo ma-e-experience ulit, once in a lifetime opportunity. So enjoyin n'yo lang,” saad ni Brent.
Bukas ang auditions para sa lahat ng Pinoy worldwide na nasa edad 18 to 35 years old. Para sumali, bisitahin lamang ang official website ng PBB Online Auditions: https://www.joinnow.ph/pbbcollab
Mag-sumite ng one-minute video na naglalaman ng inyong pangalan, edad, location, at kung bakit ka karapat-dapat maging housemate sa bahay ni Kuya.
Magbubukas ang PBB Online Auditions ngayong gabi sa 24 Oras hanggang August 31, 11:59 p.m.
Samantala, patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
BALIKAN ANG WINNING MOMENTS NG 'PINOY BIG BROTHER CELEBRITY COLLAB EDITION 2.0' THE BIG NIGHT SA GALLERY NA ITO: