
Humanga si Ana Feleo kina Mika Salamanca at Brent Manalo sa ipinakita ng dalawa sa unang araw ng kanilang acting workshop.
Sa isang Facebook post, may pahapyaw ang acting coach tungkol sa workshop ng itinanghal na Big Winner Duo ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Isa sa mga pinuri ni Ana ay ang pagiging honest at open nina Mika at Brent sa isa't isa.
Pahayag niya, “Wow! Today was a great first day for Mika [Salamanca] and Brent [Manalo]. I came in the workshop not expecting anything. Ayoko mag expect na porket magkasama sila sa Pinoy Big Brother ay kilalang-kilala na nila ang isa't isa. Iba 'yung experience sa Bahay Ni Kuya at iba pa rin 'yung kind of intimacy when you are acting. I did not expect anything from them para hindi rin sila ma-pressure sa kailangan nila ilabas or kailangan nilang ibigay. Hindi lang naman sila celebrities but they are also human beings with complete feelings.”
Kasunod nito, ibinahagi ni Ana na kahit nakaramdam ng nerbyos ang dalawa sa unang araw ng kanilang workshop ay nakita niya ang pagiging totoo nila sa isa't isa.
“Although they were nervous into the workshop na silang dalawa lang, they were also very trusting. I really appreciate the trust that they put in our work… They were completely honest with each other which is always a great foundation for acting…,” sabi niya.
Paglalarawan pa ni Ana sa naganap na acting workshop nina Mika at Brent, “Ang ganda ng mga nangyari sa mga exercises nila. Hindi rin sila humingi ng break so dire-diretso kami, ang dami naming nagawa in a span of two hours.”
Ang purpose ng workshop ay para mas maging handa ang BreKa (Brent at Mika) sa kanilang susunod na mga proyekto bilang mga aktor.
Pahabol ni Ana, “Ang challenge naming ngayon is continuity. Ang challenge namin is how do we find time to keep on working their preparation for their upcoming projects.”
Samantala, sina Brent at Mika ay final duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition at itinuturing nila ngayon ang isa't isa bilang forever duo at best friends.