
In her vlogger era na ulit ang social media influencer at Sparkle star na si Mika Salamanca.
Inimbitahan ni Mika na makipag-collab sa kanyang latest vlog ang final duo niya sa Pinoy Big Brother Celebrtiy Collab Edition na si Brent Manalo.
Sa unang parte ng vlog, nasubukan ang reactions ng dalawa habang pinapanood ang ilang TikTok at social media edits, at iba pang videos na ginawa ng kanilang fans.
Kasunod nito, inilatag ng production team ang ilang scenarios kung saan mas lumabas ang kulit at asaran moments nila.
Sa kalagitnaan ng vlog, ibinahagi ni Mika na bumisita sa set ang Sparkle actor na si Will Ashley at game na game itong sumilip sa camera habang nagba-vlog ang dalawa.
Inilahad naman ni Mika sa huling parte ng vlog na 60 percent ng vlog revenue ay ido-donate nila sa isang charity.
Napuno ng tawanan ang naturang vlog na sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 580,000 views sa YouTube.
Samantala, sina Brent Manalo at Mika Salamanca na nakilala sa Bahay Ni Kuya bilang BreKa ang itinanghal na Big Winner Duo sa Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: Kapuso housemates sa Sparkle x PBB Grand Mediacon