
Si Benedict Cua ang isa sa mga itinuturing na malapit na kaibigan ni Mika Salamanca.
Ibinida ni Mika ang closeness nila ni Benedict sa isa sa kaniyang latest social media posts, kung saan mababasa ang heartfelt birthday message niya para sa huli.
Kakabit ng dalawang photo ang paglalarawan ni Mika kay Benedict at kung gaano kahalaga para sa kaniya ang kanilang samahan.
Mensahe niya sa kaniyang fellow content creator, “Mabuhay man ako sa iba't ibang panahon, henerasyon, at dimension, lagi kitang ipagtatabi ng upuan sa harapan ng buhay ko, dahil alam ko, kahit saan tayo dalhin ng mundo, lagi kong hahanapin ang mga palakpak at ngiti mo.”
“Happy birthday my watermelon. Mahal kita, palagi,” dagdag pa ng Sparkle actress.
Matatandaang spotted si Benedict Cua sa big night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, kung saan itinanghal na Kapuso Big Winner si Mika Salamanca.
Mapapanood din sa ilang vlogs ang pagiging supportive nila sa isa't isa hindi lang sa kanilang mga career kundi pati na rin sa mga personal nilang buhay.
Si Mika at Benedict ay parehong mayroon nang mahigit 3 million followers sa Facebook.
Mapapanood ang sa kanilang makulit na bonding moments at collaborations sa YouTube, TikTok, at iba pang social media platform.
Related gallery: Benedict Cua's bonding moments with son Aleck