GMA Logo Mika Salamanca
Courtesy: Mahika (TikTok), mikslmnc (IG)
What's Hot

Mika Salamanca cracks up fans with her funny TikTok clip

By EJ Chua
Published October 9, 2025 1:28 PM PHT
Updated October 9, 2025 8:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pokémon cards sa tindahan, pinuntirya ng mga armadong kawatan sa US
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl
Arnie Teves, 2 others acquitted in 2019 murder case

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca


Netizens sa bagong gimik ni Mika Salamanca sa TikTok: “Si Anaca 'pag naligaw sa mundo ng mga tao.”

Kinagigiliwan ngayon sa TikTok ang latest video ni Mika Salamanca.

Mapapanood sa clip na nag mistulang chicken si Mika habang nakadapo sa isang braso suot ang kanyang knitted red orange blouse.

Game na game na ipinakita ng Sparkle star ang kanyang makulit at funny side na talaga namang nagpatawa at nagbigay saya sa fans at kanyang followers sa TikTok.

“Naiiyak na ako sa tawa diyan hahahahaha,” sulat ni Mika sa comments section ng kanyang bagong post.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 4.6 million views at mahigit 420,000 heart reactions ang video ng Sparkle star.

Mababasa sa post ang comments at reactions ng mga nakapanood ng funny clip at ilan sa kanila ay inilalarawan siya bilang ang loyal owl ni Mitena (Rhian Ramos) na si Anaca, ang karakter mismo ni Mika sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

@mikasalamanca

♬ original sound - allen

Bukod dito, matatandaang ilang beses na ring nag-viral si Mika sa TikTok at iba pang social media platform dahil sa kanyang throwback videos, kung saan siya ay seryoso umaarte at nage-emote habang kumakanta.

Si Mika at ang kanyang final duo na si Brent Manalo ang itinanghal na Big Winner Duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Kabilang si Mika sa cast ng upcoming series na pinamagatang The Secrets of Hotel 88 at makakasama niya rito ang ilan sa kanyang former housemates.

Related gallery: From dreamer to big winner: Mika Salamanca reflects on Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition journey.