
Bukod sa fans, all-out din ang pagsuporta ng ilang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition kay Mika Salamanca.
Related gallery: Meet PBB Celebrity Collab Edition housemate Mika Salamanca
Sa naganap na 'Mahika' debut album launch ng Sparkle star na si Mika nitong May 30, spotted sa big event ang ilang mga nakasama niya noon sa Bahay Ni Kuya.
Ilan sa nagparamdam ng love at support para sa kanya ay ang former housemates sa Season 1 ng PBB collab na sina Will Ashley, Josh Ford, at Xyriel Manabat.
Naka-duet naman ni Mika onstage ang Star Magic artist na si Klarisse De Guzman, na itinuring ng housemates noon bilang si Mowm, ang Mommy nila sa Bahay Ni Kuya.
Naganap ang launch ng album ni Mika na 'Mahika' sa SM North EDSA Skydome nitong Sabado, May 30, 2026.
Ang ilang detalye sa big event ay inilahad sa Unang Chika na ipinalabas ngayong Lunes, June 1, sa GMA morning show na Unang Hirit.
Si Mika ang itinanghal na Kapuso Big Winner sa collab ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Napapanood ngayon si Mika at iba pang ex-housemates sa collab series ng GMA at ABS-CBN na The Secrets of Hotel 88.
Related content: 'The Big ColLove Fancon': PBB Celebrity Collab Edition stars delight fans