
Kabilang ang PBB Celebrity Collab Kapuso big winner na si Mika Salamanca sa upcoming comedy film na Saving Cherry, na pagbibidahan ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
Sa naganap sa media conference ng pelikula noong Lunes (August 3), ipinarating ni Mika ang paghanga kay Barbie na, aniya, nilu-look up niya bilang aktres.
"I said yes to this project because I learned and I know na si Ate Barbie 'yung lead," sabi niya. "I remember na may isang gabi na talagang minessage ko pa si Ate Barbie kasi I look up to her talaga as an actress."
Ikinuwento rin ni Mika ang experience niya nang makasama si Barbie sa set, kung saan pinuri niya ang professionalism ng aktres pagdating sa kanyang trabaho.
"Nu'ng nakasama ko siya sa set, sobrang professional. Ibang level 'yung professionalism ni Ate Barbie.
"And, kahit hindi mo gustuhing matuto, matututo ka sa kanya. Ang dami ko pong natutunan sa kanya sa set na 'to."
Sa Saving Cherry, makikilala si Mika Salamanca bilang Jewel, ang friend ni Cherry (Barbie Forteza) na laging ready magpasabog ng eksena.
Makakasama rin nina Barbie at Mika sa pelikula sina Khalil Ramos, Mikee Quintos, AC Bonifacio, Sassa Gurl, Joey Marquez, JC Alcantara, Kokoy De Santos, at iba pa.
Mapapanood ang Saving Cherry sa mga sinehan nationwide simula September 2.
Related gallery: Mika Salamanca's looks that prove she can slay any style