GMA Logo Mika Salamanca
Source: megamagazine (IG)
What's Hot

Mika Salamanca, hindi makapaniwalang kabilang sa 'Women to Watch'

By Marah Ruiz
Published September 1, 2025 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Kuya separates girls and boys; girls bring up concern on boys' green jokes
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca


Hindi makapaniwala si Mika Salamanca na kabilang siya sa "Women to Watch" ng isang magazine.

Kabilang si Kapuso star at Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Big Winner Mika Salamanca sa hinirang na "Women to Watch" ngayong 2025 ng MEGA.

Ayon sa kilalang fashion and lifestyle magazine, dahil daw ito sa mga katangian ni Mika na "candid, fearless, always searching for what's true."

Hindi naman makapaniwala si Mika na kabilang siya sa listahan ng mga kababaihang dapat antabayanan ngayong taon.

Bukod sa kanya, bahagi rin ng "Women to Watch" ang kanyang kapwa PBB housemates na sina Shuvee Etrata, Ashley Ortega, at Bianca de Vera, pati na ang Kapuso actresses na sina Ysabel Ortega, Lexi Gonzales, Skye Chua, at Chanty Videla.

Source: megamagazine (IG)

"Grabe! Sabi ko, anong nagawa 'kong tama para mapasama sa kanila?" lahad niya.

Ipagpapatuloy raw ni Mika ang pagiging magandang halimbawa matapos ang pagkilalang ito.

"Ako po, as long as kung ano po 'yung minamahal sa 'kin ng tao ngayon, ganoon po 'yung gagawin ko--'yung pagiging totoo po," bahagi niya.

Busy ngayon si Mika sa iba't ibang endorsements, TV, at movie projects kaya minarapat niyang sumailalim sa acting workshop sa ilalim ni Ana Feleo.

"Basta may oras mag-workshop, gagawin po namin talaga para po mabigay po namin sa mga tao 'yung deserve po nila na manggagaling sa amin," aniya.

Sa gitna ng lahat ng ito, isang blessing ang dumating kay Mika dahil nabili na niya sa wakas ang kanyang dream car.

"Sobrang saya po kasi parang [noong] January po, hindi ko po alam kung paano ko makukuha 'yung dream car ko. Pero sabi ko, maniniwala ako na this 2025 talaga, lahat ng ilalagay ko sa vision board ko, magagawa ko. I don't know how, but I just believed," paggunita niya.

Panoorin ang buong panayam ni Athena Imperial kay Mika Salamanca para sa 24 Oras sa video sa ibaba.