GMA Logo mika salamanca
Source: mikslmnc (Instagram) & mikslmnc (X)
What's Hot

Mika Salamanca, hinikayat ang publiko na taasan ang standards sa eleksyon 2028

By Aedrianne Acar
Published May 16, 2026 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss Eco International PH Gabbi Carballo stuns in red at sashing ceremony
Bretman Rock returns to the Philippines, fulfills sinigang craving
Public urged to conserve electricity as stable power supply yet to return

Article Inside Page


Showbiz News

mika salamanca


Pinayuhan ni Mika Salamanca ang mga botante na maging mas mapili sa eleksyon 2028.

Dahil sa nangyaring gulo sa Senado—mula sa pagpapalit ng liderato, muling pagpasok ni Senator Bato dela Rosa, at ang pagpapaputok ng baril sa loob ng Senate building na nagdulot ng matinding takot—maraming celebrities ang naglabas ng kanilang sentimyento online.

Isa na rito ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Big Winner na si Mika Salamanca, na nagpaalala sa publikong nagagalit sa mga artista at content creators na nagkokomento sa mga nangyayari sa pulitika.

Nagsimula ang pambabatiko kay Mika nang mag-post siya sa X ng: "Avoiding politics won't avoid you, wake up."

Ayon sa The Secrets of Hotel 88 actress, kung gaano kataas ang standards ng mga tao sa showbiz personalities, ganun din dapat ang maging pamantayan nila sa mga tatakbo sa 2028 elections.

Sabi niya sa kanyang X post, “Stop using this situation to hate artists that you don't like. Sana ilagay natin sa tama yung galit [natin] at sana kung gaano kataas standards nyo sa mga content creators at artista ganyan din kataas standards nyo sa mga iuupo nyo sa 2028.”

Napapansin din ng vlogger at book author na nililihis ng iilan ang isyu. Sa halip kasi na mag-focus sa problema, mas pinipili nilang i-bash ang celebrity dahil sa opinyon nito.

“[Y]ou can always disagree with what I'm saying or even with who I am as a person,” sabi ni Mika. “

"But really? Even in conversations about people's frustrations with the government, some of you still choose to focus on attacking individuals instead of the actual issue.”

Matapos manalo sa PBB, napasama si Mika Salamanca sa malalaking proyekto tulad ng box-office hit 2025 Metro Manila Film Fest movie na Call Me Mother, na pinagbidahan nina Vice Ganda at Nadine Lustre.

Kasalukuyan din siya napapanood sa mystery primetime series na The Secrets of Hotel 88, kasama ang kapwa batchmates niya sa PBB>

Related gallery: Meet Kapuso's PBB Celebrity Collab Edition big winner Mika Salamanca