GMA Logo Mika Salamanca book author
Courtesy: EJ Chua, Sparkle GMA Artist Center
Celebrity Life

Mika Salamanca, inspired na maglabas pa ng ibang libro

By EJ Chua
Published October 6, 2025 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Emilia Clarke gets surprise visit from Jason Momoa in New York
At least 30 houses along creek in Bacolod City demolished
Khalil Ramos is on the digital cover of a men's fashion magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca book author


Mika Salamanca sa pagiging author: “Nakita ko po 'yung mga bata, fuel po siya [para sa akin].”

Bukod sa pagiging artista, singer, vlogger, at endorser, abala rin ngayon si Mika Salamanca sa pagiging author.

Sa isang book reading event, mabilis na sinagot ni Mika ang tanong ng press kung tuluy-tuloy na ba ang paggawa niya ng libro.

Ayon sa Sparkle star, “Ako po hangga't kaya po talaga ng lakas ko, tutuluy-tuloy ko po. Nakita ko po 'yung mga bata, fuel po siya [para sa akin]. Nai-inspire po akong mas gumawa pa po ng libro para sa kanila.”

“Yes, itutuluy-tuloy ko po,” dagdag pa niya.

Sa follow-up question naman kung mayroon bang plano si Mika na sumulat ng isang adult book, sinabi niya na para sa mga bata ang gusto niyang gawin sa ngayon.

“Ngayon po, ang focus ko po talaga is para sa mga bata,” pahayag niya.

RELATED CONTENT: Mika Salamanca joins Book Nook's literacy mission

Samantala, patuloy na nagiikot-ikot si Mika para mamahagi ng kopya ng kanyang debut children's book na pinamagatang 'Lipad.'

Ayon sa kanya, ang istorya ng Lipad ay hango sa ilang karanasan niya sa buhay na gusto niyang magsilbing inspirasyon sa younger generation.

Si Mika at ang kanyang final duo na si Brent Manalo ang itinanghal na Big Winner Duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

RELATED CONTENT: Sparkle's big homecoming surprise for Mika Salamanca, Will Ashley, Charlie Fleming, and AZ Martinez