GMA Logo Mika Salamanca and H2wo
What's Hot

Mika Salamanca, itinanggi ang cheating rumors na dahilan umano ng breakup nila ni H2wo

By Jimboy Napoles
Published April 10, 2024 7:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca and H2wo


“Mahal pa rin namin 'yung isa't-isa. It's just…” - Mika Salamanca

Mahigit isang buwan na ang nakalipas matapos ianunsyo ng social media influencer at Sparkle actress na si Mika Salamanca na hiwalay na sila ng e-sports athlete na si John Paul Salonga a.k.a. H2wo.

Kasunod nito, inulan ng pambabatikos si Mika dahil sa umano'y “cheating” na nangyari kung kaya't nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni H2wo.

RELATED GALLERY: Mika Salamanca shares some pose ideas to show off your tattoos

Sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin naman ni Mika ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“In the gaming world, you're also a big star. Kasalukuyan ay nasa gitna ka ng kontrobersiya dahil nga sa inyong paghihiwalay ni John Paul and you're being bashed and you're being called a cheater. What do you want to say?” tanong ni Boy Abunda kay Mika.

Ayon kay Mika, walang naganap na cheating o walang third party involved sa kanilang naging paghihiwalay.

Aniya, “Ako po, Tito Boy, kasi malinis na sagot. Wala talagang nag-cheat sa aming dalawa ni H2wo. Wala po talaga, gano'n ka-simple.”

“Naghiwalay kayo dahil?” pag-uusisa pa ng batikang TV host.

Sagot naman ni Mika, “Dahil kahit na ilang beses nilang sabihin na walang kuwenta 'yung sagot namin, Tito Boy, hindi po talaga kasi nag-go-grow 'yung relationship namin to the point na it's toxic.”

Pagllilinaw pa ng Sparkle actress, “Mahal namin 'yung isa't-isa, Tito Boy. Mahal pa rin namin 'yung isa't-isa. It's just naniniwala po kasi ako na mamahalin mo 'yung tao nang sobra-sobra to the point na kaya mo siyang i-let go kung 'yun 'yung mas makakabuti para sa kan-ya.”

“I like that because only a mature heart can say that,” pagsang-ayon naman ni Boy.

Mapapanood naman si Mika sa Bubble Gang at bilang host ng YouLol kasama ang aktor na si Mikoy Morales.

RELATED GALLERY: Celebrity breakups that shocked the public